Font Size
Genesis 24:29-31
Ang Biblia, 2001
Genesis 24:29-31
Ang Biblia, 2001
29 Si Rebecca ay may isang kapatid na ang pangalan ay Laban. Tumakbong papalabas si Laban patungo sa lalaki na nasa bukal.
30 Nang makita niya ang singsing at mga pulseras sa mga kamay ng kanyang kapatid, at pagkarinig sa mga salita ni Rebecca na kanyang kapatid, na sinasabi, “Gayon ang sinabi sa akin ng lalaki;” ay lumapit siya sa lalaki at nakitang ito'y nakatayo sa tabi ng mga kamelyo sa bukal.
31 At sinabi niya, “Pumasok ka, pinagpala ng Panginoon. Bakit ka nakatayo sa labas? Naihanda ko na ang bahay at ang lugar para sa mga kamelyo.”
Read full chapter