Font Size
Genesis 24:45-47
Ang Biblia, 2001
Genesis 24:45-47
Ang Biblia, 2001
45 “Bago ako nakatapos sa pagsasalita sa aking puso, nakita ko si Rebecca na lumalabas na pasan ang kanyang banga sa kanyang balikat. Siya ay lumusong sa bukal at umigib at aking sinabi sa kanya, ‘Makikiinom ako sa iyo.’
46 Dali-dali niyang ibinaba ang kanyang banga sa kanyang balikat, at sinabi, ‘Uminom ka, at paiinumin ko pati ang iyong mga kamelyo,’ sa gayo'y uminom ako, at pinainom niya pati ang mga kamelyo.
47 At siya'y aking tinanong, ‘Kanino kang anak?’ At kanyang sinabi, ‘Anak ako ni Betuel, na anak ni Nahor, na ipinanganak sa kanya ni Milca.’ At inilagay ko ang singsing sa kanyang ilong, at ang mga pulseras sa kanyang mga kamay.
Read full chapter