Font Size
Genesis 24:46-48
Ang Biblia, 2001
Genesis 24:46-48
Ang Biblia, 2001
46 Dali-dali niyang ibinaba ang kanyang banga sa kanyang balikat, at sinabi, ‘Uminom ka, at paiinumin ko pati ang iyong mga kamelyo,’ sa gayo'y uminom ako, at pinainom niya pati ang mga kamelyo.
47 At siya'y aking tinanong, ‘Kanino kang anak?’ At kanyang sinabi, ‘Anak ako ni Betuel, na anak ni Nahor, na ipinanganak sa kanya ni Milca.’ At inilagay ko ang singsing sa kanyang ilong, at ang mga pulseras sa kanyang mga kamay.
48 At aking iniyuko ang aking ulo at sumamba ako sa Panginoon at pinuri ang Panginoon, na Diyos ng aking panginoong si Abraham, na pumatnubay sa akin sa tunay na daan upang kunin ang anak ng kapatid ng aking panginoon, para sa kanyang anak.
Read full chapter