Add parallel Print Page Options

At sinabi sa kaniya ng lingkod, Sakaling hindi iibigin ng babae na sumama sa akin sa lupaing ito: dapat ko bang ibalik ang anak mo sa lupaing pinanggalingan mo?

At sinabi sa kaniya ni Abraham, Ingatan mong huwag ibalik doon ang aking anak.

Ang Panginoon, ang Dios ng langit, (A)na kumuha sa akin sa bahay ng aking ama, at sa lupaing aking tinubuan, at sa akin ay nagsalita, at sa akin ay sumumpa, na nagsasabi, (B)Sa iyong binhi, ibibigay ko ang lupaing ito: ay magsusugo (C)siya ng kaniyang anghel sa unahan mo, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak.

Read full chapter