Font Size
Genesis 24:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 24:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 “Aba, hindi! Huwag mong papupuntahin doon si Isaac,” tugon ni Abraham. 7 “Nilisan ko ang tahanan ng aking ama at iniwan ang lupain ng aking mga kamag-anak sapagkat dito ako pinapunta ni Yahweh, ang Diyos ng kalangitan. Nangako siyang ibibigay ang lupaing ito sa aking lahi. Magsusugo siya ng kanyang anghel na mauuna sa iyo upang tulungan ka sa pagpili ng mapapangasawa ng aking anak. 8 Ngayon, kung ayaw sumama ng mapipili mo, wala ka nang pananagutan sa akin. Ngunit huwag mong papuntahin doon ang anak ko!”
Read full chapter