Add parallel Print Page Options

At inilagay ng alilang katiwala ang kaniyang kamay sa ilalim ng hita ni Abraham na kaniyang panginoon, at sumumpa sa kaniya tungkol sa bagay na ito.

10 At kumuha ang alilang katiwala ng sangpung kamelyo sa mga kamelyo ng kaniyang panginoon, at yumaon; (A)na dala ang pinakamabuti sa lahat ng pagaari ng kaniyang panginoon: at tumindig at napasa (B)Mesopotamia, sa bayan ni Nachor.

11 At kaniyang pinaluhod ang mga kamelyo sa labas ng bayan, sa tabi ng balon ng tubig, ng dakong palubog na ang araw, na kapanahunan nang paglabas ng mga (C)babae upang umigib ng tubig.

Read full chapter