Add parallel Print Page Options

Ipinanganak sina Esau at Jacob

19 Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Isaac na anak ni Abraham.

20 Si Isaac ay 40 taong gulang nang napangasawa niya si Rebeka na anak ni Betuel na Arameo na taga-Padan Aram.[a] Si Rebeka ay kapatid ni Laban na Arameo rin.

21 Dahil baog si Rebeka, nanalangin si Isaac sa Panginoon na magkaanak ito. Tinugon ng Panginoon ang dalangin niya, kaya nagbuntis si Rebeka.

Read full chapter

Footnotes

  1. 25:20 Padan Aram: Isang lugar sa Mesopotamia.