Add parallel Print Page Options

23 Ganito(A) naman ang sagot ni Yahweh:

“Dalawang sanggol ang dala mo sa loob ng iyong tiyan,
    larawan ng dalawang bansa na magiging magkalaban;
magiging higit na malakas ang mas bata kaysa sa nauna,
    kaya maglilingkod ang mas matanda sa bata niyang kapatid.”

24 Dumating ang panahon at nanganak nga siya ng kambal. 25 Mamula-mula ang kutis at mabalahibo ang katawan ng panganay, kaya't Esau[a] ang ipinangalan dito.

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 25:25 ESAU: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “mabalahibo”.