Font Size
Genesis 25:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 25:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Ganito(A) naman ang sagot ni Yahweh:
“Dalawang sanggol ang dala mo sa loob ng iyong tiyan,
larawan ng dalawang bansa na magiging magkalaban;
magiging higit na malakas ang mas bata kaysa sa nauna,
kaya maglilingkod ang mas matanda sa bata niyang kapatid.”
24 Dumating ang panahon at nanganak nga siya ng kambal. 25 Mamula-mula ang kutis at mabalahibo ang katawan ng panganay, kaya't Esau[a] ang ipinangalan dito.
Read full chapterFootnotes
- 25 ESAU: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “mabalahibo”.