Genesis 25:29-34
Ang Biblia (1978)
29 At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot:
30 At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot: kaya't tinawag ang pangalan niya na Edom.
31 At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay.
32 At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?
33 At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: (A)at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob.
34 At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978