Font Size
Genesis 25:30-32
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 25:30-32
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
30 Sinabi niya, “Gutom na gutom na ako, bigyan mo naman ako niyang mapulang niluluto mo.” At dahil dito'y tinawag siyang Edom.[a]
31 Sumagot si Jacob, “Ibigay mo muna sa akin ang iyong karapatan bilang panganay.”
32 “Payag na ako,” sabi ni Esau, “aanhin ko pa ang pagiging panganay kung mamamatay naman ako sa gutom?”
Read full chapterFootnotes
- 30 EDOM: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “pula”.