Add parallel Print Page Options

20 Nakipagtalo ang mga pastol ng Gerar sa mga pastol ni Isaac, na sinasabi, “Ang tubig ay amin.” Kanyang tinawag ang pangalan ng balon na Esec[a] sapagkat sila'y nakipagtalo sa kanya.

21 Kaya't sila'y humukay ng ibang balon at muli nilang pinagtalunan, at ito ay tinawag niya sa pangalang Sitnah.[b]

22 Umalis siya roon at humukay ng ibang balon at hindi nila pinagtalunan at ito ay kanyang tinawag sa pangalang Rehobot,[c] at kanyang sinabi, “Sapagkat ngayo'y binigyan tayo ng Panginoon ng kaluwagan at tayo ay magiging mabunga sa lupain.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 26:20 Ang kahulugan ay Pagtatalo .
  2. Genesis 26:21 Ang kahulugan ay Alitan .
  3. Genesis 26:22 Ang kahulugan ay Maluluwang na lugar .