Add parallel Print Page Options

21 Muling naghukay ang mga alipin ni Isaac ng ibang balon, pero pinag-awayan din nila ito ng mga taga-Gerar. Kaya pinangalanan ni Isaac ang balon na Sitna.[a] 22 Umalis sina Isaac doon at muling naghukay ng panibagong balon. Hindi na nila ito pinag-awayan, kaya pinangalanan ito ni Isaac na Rehobot.[b] Sapagkat sinabi niya, “Ngayoʼy binigyan tayo ng Panginoon ng malawak na lugar para lalo pa tayong dumami sa lugar na ito.”

23 Hindi nagtagal, umalis si Isaac sa lugar na iyon at pumunta sa Beersheba.

Read full chapter

Footnotes

  1. 26:21 Sitna: Ang ibig sabihin, pag-aaway.
  2. 26:22 Rehobot: Ang ibig sabihin, malawak na lugar.