Add parallel Print Page Options

22 Umalis siya roon at humukay ng ibang balon at hindi nila pinagtalunan at ito ay kanyang tinawag sa pangalang Rehobot,[a] at kanyang sinabi, “Sapagkat ngayo'y binigyan tayo ng Panginoon ng kaluwagan at tayo ay magiging mabunga sa lupain.”

23 Mula roon ay umahon siya sa Beer-seba.

24 At nagpakita sa kanya ang Panginoon nang gabi ring iyon at sinabi, “Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham. Huwag kang matakot sapagkat sasamahan kita, at ikaw ay aking pagpapalain, at aking pararamihin ang iyong binhi alang-alang kay Abraham na aking lingkod.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 26:22 Ang kahulugan ay Maluluwang na lugar .