Add parallel Print Page Options

24 At napakita sa kaniya ang Panginoon ng gabi ring yaon, at nagsabi, (A)Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama: (B)huwag kang matakot, sapagka't (C)ako'y sumasaiyo, at ikaw ay aking pagpapalain, at aking pararamihin ang iyong binhi, alangalang kay Abraham na aking lingkod.

25 At si Isaac ay (D)nagtayo roon ng isang dambana, at kaniyang sinambitla ang pangalan ng Panginoon, at itinindig niya roon ang kaniyang tolda: at humukay roon ang mga bataan ni Isaac ng isang balon.

Ang tipan ni Isaac kay Abimelech.

26 Nang magkagayo'y si Abimelech ay naparoon sa kaniya mula sa Gerar, at si Ahuzath na kaniyang kaibigan, at si (E)Phicol na kapitan ng kaniyang hukbo.

Read full chapter