Add parallel Print Page Options

Ang Sumpaan nina Isaac at Abimelec

26 Pagkatapos(A) noo'y pumunta si Abimelec sa kanya mula sa Gerar, kasama si Ahuzath na kanyang tagapayo, at si Ficol na kapitan ng kanyang hukbo.

27 Sinabi sa kanila ni Isaac, “Bakit kayo pumarito sa akin, yamang kayo'y napopoot sa akin at pinalayas ninyo ako?”

28 At sinabi nila, “Malinaw naming nakita na ang Panginoon ay naging kasama mo; kaya't sinasabi namin, ‘Magkaroon tayo ng sumpaan, kami ay makikipagtipan sa iyo,’

29 na hindi ka gagawa sa amin ng masama, gaya rin na hindi ka namin ginalaw, at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti, at pinaalis ka naming payapa. Ikaw ngayon ang pinagpala ng Panginoon.”

30 Kaya siya'y nagpahanda ng maraming pagkain para sa kanila, at sila'y kumain at uminom.

31 Kinaumagahan, maaga silang gumising at sila'y nagsumpaan. Sila'y pinalakad na ni Isaac sa kanilang patutunguhan at iniwan nilang payapa si Isaac.

Read full chapter