Font Size
Genesis 26:33-35
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 26:33-35
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
33 Tinawag niyang “Balon ng Panata” ang balong iyon. Kaya, hanggang ngayon ay Beer-seba[a] ang tawag sa lunsod na itinayo roon.
Nag-asawa ng mga Dayuhan si Esau
34 Apatnapung taon si Esau nang siya'y mag-asawa; si Judit na anak ng Heteong si Beeri ang napangasawa niya. Naging asawa rin niya si Basemat, anak naman ni Elon, isa ring Heteo. 35 Ang dalawang ito ang naging dahilan ng malaking sama ng loob nina Isaac at Rebeca.
Read full chapterFootnotes
- 33 BEER-SEBA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “Balon ng Panata” o kaya'y “Balon ng Pito”.