Font Size
Genesis 27:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 27:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
26 “Halika anak, at hagkan mo ako,” sabi ng ama. 27 Nang(A) lumapit si Jacob upang hagkan ang ama, naamoy nito ang kanyang kasuotan, kaya't siya'y binasbasan:
“Ang masamyong halimuyak ng anak ko,
ang katulad ay samyo ng kabukirang si Yahweh ang nagbasbas;
28 Bigyan ka nawa ng Diyos, ng hamog buhat sa itaas,
upang tumaba ang lupa mo't ikaw nama'y makaranas
ng saganang pag-aani at katas ng ubas.