Font Size
Genesis 27:27-29
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 27:27-29
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
27 Nang(A) lumapit si Jacob upang hagkan ang ama, naamoy nito ang kanyang kasuotan, kaya't siya'y binasbasan:
“Ang masamyong halimuyak ng anak ko,
ang katulad ay samyo ng kabukirang si Yahweh ang nagbasbas;
28 Bigyan ka nawa ng Diyos, ng hamog buhat sa itaas,
upang tumaba ang lupa mo't ikaw nama'y makaranas
ng saganang pag-aani at katas ng ubas.
29 Hayaan(B) ang mga bansa'y gumalang at paalipin;
bilang pinuno, ikaw ay kilalanin.
Igagalang ka ng mga kapatid mo,
mga anak ng iyong ina ay yuyuko sa iyo.
Sila nawang sumusumpa sa iyo ay sumpain din,
ngunit ang nagpapala sa iyo ay pagpalain.”