Add parallel Print Page Options

34 Pagkarinig nito ni Esau, umiyak siya nang labis. Sinabi niya, “Ama, basbasan nʼyo rin po ako!”

35 Pero sumagot si Isaac, “Niloko ako ng nakababatang kapatid mo at nakuha na niya ang basbas ko na para sana sa iyo.”

36 Sinabi ni Esau, “Pangalawang beses na ito na niloko niya ako. Kaya pala Jacob[a] ang pangalan niya. Kinuha na niya ang karapatan ko bilang panganay at ngayon, kinuha pa niya ang basbas na para sa akin.” Pagkatapos, nagtanong siya, “Ama, wala na po bang natitirang basbas na para sa akin?”

Read full chapter

Footnotes

  1. 27:36 Jacob: Ang ibig sabihin, manloloko.