Font Size
Genesis 27:38-40
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 27:38-40
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
38 Ngunit(A) patuloy na nagmamakaawa sa kanyang ama si Esau, “Talaga bang iisa lang ang inyong basbas, ama? Basbasan na rin ninyo ako.” At patuloy siyang nanangis.
39 Sinabi(B) ni Isaac sa kanya,
“Ang magiging tahanan mo'y malayo sa kasaganaan,
pati hamog mula sa langit, ika'y pagkakaitan.
40 Tabak(C) mo ang iyong ikabubuhay,
kapatid mo'y iyong paglilingkuran;
upang kalayaa'y iyong makamit,
kailangang ikaw ay maghimagsik.”