Add parallel Print Page Options

39 Sumagot(A) si Isaac na kanyang ama,

“Tingnan mo, papalayo sa taba ng lupa ang iyong tahanan,
    at papalayo sa hamog ng langit sa itaas;
40 mabubuhay(B) ka sa pamamagitan ng iyong tabak
    at maglilingkod ka sa iyong kapatid,
at kapag ikaw ay lumaban,
    babaliin mo ang kanyang pamatok na nasa iyong leeg.”

Pinapunta si Jacob sa Padan-aram

41 Kaya't kinapootan ni Esau si Jacob dahil sa basbas na ibinigay sa kanya ng kanyang ama. At sinabi ni Esau sa sarili, “Malapit na ang mga araw ng pagluluksa sa aking ama; pagkatapos ay papatayin ko si Jacob na aking kapatid.”

Read full chapter