Add parallel Print Page Options

20 Pinangalanan ni Adan[a] ang asawa niya na “Eva”[b] dahil siya ang magiging ina ng lahat ng tao. 21 Pagkatapos, gumawa ang Panginoong Dios ng damit mula sa balat ng hayop para kay Adan at sa asawa nito.

Pinaalis ng Dios sina Adan at Eva sa Halamanan ng Eden

22 Sinabi ng Panginoong Dios, “Ang tao ay naging katulad na natin na nakakaalam kung ano ang mabuti at masama. Kinakailangang hindi siya pahintulutang kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng buhay, dahil kung kakain siya, mananatili siyang buhay magpakailanman.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:20 Adan: Ang ibig sabihin, lalaki; o, mga tao.
  2. 3:20 Eva: Maaaring ang ibig sabihin, nabubuhay.