Font Size
Genesis 3:22-24
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Genesis 3:22-24
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Pinaalis ng Dios sina Adan at Eva sa Halamanan ng Eden
22 Sinabi ng Panginoong Dios, “Ang tao ay naging katulad na natin na nakakaalam kung ano ang mabuti at masama. Kinakailangang hindi siya pahintulutang kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng buhay, dahil kung kakain siya, mananatili siyang buhay magpakailanman.” 23 Kaya pinaalis siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden para sakahin ang lupa na pinagmulan niya.
24 Nang mapaalis na ng Panginoong Dios ang tao, naglagay siya ng mga kerubin[a] sa bandang silangan ng halamanan ng Eden. At naglagay din siya ng espada na naglalagablab at umiikot para walang makalapit sa puno na nagbibigay ng buhay.
Read full chapterFootnotes
- 3:24 kerubin: Isang uri ng anghel.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®