Font Size
Genesis 30:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 30:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Si Zilpa'y muling nagdalang-tao at nagkaanak ng isa pang lalaki. 13 Sinabi ni Lea, “Masayang-masaya ako! Masaya ang itatawag sa akin ng mga babae.” Kaya't tinawag niyang Asher[a] ang bata.
14 Anihan na noon ng trigo. Samantalang naglalakad sa kaparangan, si Ruben ay nakakita ng bunga ng mondragora at dinala niya ito kay Lea na kanyang ina. “Bigyan mo naman ako ng mondragorang dala ng iyong anak,” pakiusap ni Raquel kay Lea.
Read full chapterFootnotes
- 13 ASHER: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Asher” at “Masaya” ay magkasintunog.