Font Size
Genesis 30:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 30:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
19 Muling nagdalang-tao si Lea, at ito ang pang-anim niyang anak. 20 Kaya't ang sabi niya, “Napakainam itong kaloob sa akin ng Diyos! Ngayo'y pahahalagahan na ako ng aking asawa, sapagkat anim na ang aming anak.” Ang anak niyang ito'y tinawag naman niyang Zebulun.[a] 21 Di nagtagal, nagkaanak naman siya ng babae, at ito'y tinawag niyang Dina.
Read full chapterFootnotes
- 20 ZEBULUN: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Zebulun”, “kaloob”, at “pahahalagahan” ay magkakasintunog.