Font Size
Genesis 30:32-34
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 30:32-34
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
32 Pupunta ako sa inyong kawan ngayon din at ibubukod ko ang mga tupang itim, gayon din ang mga batang kambing na may tagping puti. Iyon na po ang para sa akin. 33 Sa darating na panahon, madali ninyong malalaman kung ako'y tapat sa inyo o hindi. Tuwing titingnan ninyo ang mga hayop na naging kabayaran ninyo sa akin, at mayroon kayong makitang hindi itim na tupa o kaya'y kambing na walang tagpi, masasabi ninyong ninakaw ko iyon sa inyo.”
34 “Mabuti! Iyan ang ating gagawin,” tugon ni Laban.
Read full chapter