Font Size
Genesis 31:49-51
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 31:49-51
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
49 Tinawag ding Mizpa[a] ang lugar na iyon sapagkat sinabi ni Laban, “Bantayan nawa tayo ni Yahweh samantalang tayo'y magkalayo. 50 Kapag inapi mo ang aking mga anak, o nag-asawa ka ng iba, alalahanin mo na wala man ako roon, ang Diyos ang saksi sa ating kasunduan.” 51 Pagkatapos, sinabi pa ni Laban, “Narito sa pagitan natin ang mga batong ibinunton ko, at narito rin ang batong inilagay mo.
Read full chapterFootnotes
- 49 MIZPA: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Mizpa” at “Bantayan nawa” ay magkasintunog.