Add parallel Print Page Options

21 Ang mga taong ito ay tahimik sa atin; kaya't magsitahan sila sa lupain (A)at magsipangalakal sila riyan; sapagka't narito, ang lupain, ay may malabis na kaluwangan sa kanila; tayo'y makisama sa kanilang mga anak na babae, at ating ibigay sa kanila ang ating mga anak.

22 Sa ganito lamang paraan papayagan tayo ng mga taong iyan, sa pagtahan sa atin, na maging isa lamang bayan, kung patuli ang lahat ng lalake sa atin, na gaya naman nila na mga tuli.

23 Di ba magiging atin ang kanilang mga baka at ang kanilang mga pagaari at ang lahat nilang hayop? Atin lamang silang payagan, at tatahan sa atin.

Read full chapter