Add parallel Print Page Options

23 Di ba magiging atin ang kanilang mga baka at ang kanilang mga pagaari at ang lahat nilang hayop? Atin lamang silang payagan, at tatahan sa atin.

24 At pinakinggan si Hamor at si Sichem na kaniyang anak, ng lahat na lumalabas sa pintuan ng kaniyang bayan; at ang (A)lahat ng lalake ay nagtuli, ang lahat ng lumalabas sa pintuan ng kaniyang bayan.

Ipinaghiganti si Dina ni Simeon at ni Levi.

25 At nangyari, nang ikatlong araw, nang sila'y nangasasaktan, na ang dalawa sa mga anak ni Jacob, si (B)Simeon at si Levi, na mga kapatid ni (C)Dina, na kumuha ang bawa't isa ng kaniyang tabak, at sila'y lihim na pumasok sa bayan, at kanilang pinatay ang lahat ng mga lalake.

Read full chapter