Add parallel Print Page Options

Nabalitaan nga ni Jacob na dinahas ang kaniyang anak na si Dina; at ang kaniyang mga anak ay nasa kasamahan ng mga hayop niya sa parang: at tumahimik si Jacob hanggang sa sila'y dumating.

At nilabas ni Hamor na ama ni Sichem si Jacob upang makiusap sa kaniya.

At ang mga anak ni Jacob ay nagsiuwi mula sa parang nang kanilang mabalitaan: at nangagdamdam ang mga lalake, at (A)nagningas ang kanilang galit, (B)sapagka't gumawa ng kaululan sa Israel, na sinipingan ang anak ni Jacob; (C)bagay na di nararapat gawin.

Read full chapter