Add parallel Print Page Options

At tayo'y magsitindig at magsisampa tayo sa (A)Bethel; at gagawa ako roon ng dambana sa Dios na sumagot sa akin sa araw ng aking kahapisan, (B)at sumaakin sa daan na aking nilakaran.

At kanilang ibinigay kay Jacob ang lahat ng ibang pinaka dios na nasa kamay nila, at ang mga hikaw na nasa kanilang mga tainga; (C)at itinago ni Jacob sa ilalim ng punong encina na malapit sa Sichem.

At sila'y naglakbay; (D)at ang isang malaking sindak mula sa Dios ay sumabayan na nasa mga palibot nila, at hindi nila hinabol ang mga anak ni Jacob.

Read full chapter