Add parallel Print Page Options

At sila'y naglakbay; (A)at ang isang malaking sindak mula sa Dios ay sumabayan na nasa mga palibot nila, at hindi nila hinabol ang mga anak ni Jacob.

Sa gayo'y naparoon si Jacob sa (B)Luz, na nasa lupain ng Canaan (na siyang Bethel), siya at ang buong bayang kasama niya.

At siya'y nagtayo roon ng isang dambana at tinawag niya ang dakong yaon na El-beth-el; sapagka't ang Dios ay napakita sa kaniya roon, nang siya'y tumatakas sa harap ng kaniyang kapatid.

Read full chapter