Add parallel Print Page Options

Si Jose at ang Kanyang mga Kapatid

37 Nagpaiwan si Jacob para manirahan sa Canaan, ang lupaing tinitirhan din dati ng kanyang ama.

Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Jacob:

Nang 17 taong gulang si Jose, nagbabantay siya ng mga hayop kasama ng kanyang mga kapatid na mga anak ni Bilha at ni Zilpa, na mga asawa ng kanyang ama. Ipinagtapat ni Jose sa kanyang ama ang masasamang ginagawa ng kanyang mga kapatid.

Mas mahal ni Jacob[a] si Jose kaysa sa iba niyang mga anak, dahil matanda na siya nang isilang si Jose. Kaya itinahi niya si Jose ng maganda at mahabang damit.

Read full chapter

Footnotes

  1. 37:3 Jacob: sa tekstong Hebreo, Israel. Ganito rin sa 37:13-14.