Font Size
Genesis 37:1-3
Magandang Balita Biblia
Genesis 37:1-3
Magandang Balita Biblia
Si Jose at ang Kanyang mga Kapatid
37 Si Jacob ay nanatili sa Canaan, sa lupaing tinirhan ng kanyang ama. 2 Ito ang kasaysayan ng sambahayan ni Jacob:
Nang si Jose ay labimpitong taon na, nag-aalaga siya ng kawan kasama ng kanyang mga kapatid sa ama, ang mga anak nina Bilha at Zilpa, na mga asawang-lingkod ng kanyang ama. Alam niya ang masasamang gawain ng kanyang mga kapatid kaya't ang mga ito'y isinumbong niya sa kanilang ama.
3 Mas mahal ni Israel si Jose kaysa ibang mga anak, sapagkat matanda na siya nang ito'y isinilang. Iginawa niya ito ng damit na mahaba at may manggas.[a]
Read full chapterFootnotes
- Genesis 37:3 damit na mahaba at may manggas: o kaya'y damit na maraming kulay .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.