Font Size
Genesis 37:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 37:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Mas mahal ni Israel si Jose kaysa ibang mga anak, sapagkat matanda na siya nang ito'y isinilang. Iginawa niya ito ng damit na mahaba at may manggas.[a] 4 Nang mahalata ng mga kapatid ni Jose na mas mahal siya ng kanilang ama, kinamuhian siya ng mga ito at ayaw siyang pakisamahang mabuti.
5 Minsan, nanaginip si Jose at lalong namuhi ang mga kapatid niya nang ito'y ikuwento niya sa kanila.
Read full chapterFootnotes
- 3 damit na mahaba at may manggas: o kaya'y damit na maraming kulay .