Add parallel Print Page Options

19 At nangyari, na pagkarinig ng kaniyang panginoon ng mga salita na sinalita sa kaniya ng kaniyang asawa, na sinasabi, Ganitong paraan ang ginawa sa akin ng iyong alipin; ay nagalab ang kaniyang galit.

Si Jose ay ibinilanggo.

20 At dinala ng kaniyang panginoon si Jose, (A)at inilagay sa (B)bilangguan, sa dakong pinagkukulungan ng mga bilanggo ng hari: at siya'y natira roon sa bilangguan.

21 Datapuwa't ang Panginoon ay suma kay Jose, at iginawad sa kaniya ang awa, (C)at pinagkalooban ng biyaya sa paningin ng katiwala sa bilangguan.

Read full chapter