Add parallel Print Page Options

Si Cain at si Abel

Sinipingan ni Adan ang kanyang asawa at ito'y nagdalang-tao. Nang isilang ang kanyang panganay na lalaki ay sinabi ni Eva: “Nagkaroon ako ng anak na lalaki sa tulong ni Yahweh.” Kaya Cain[a] ang ipinangalan niya rito. Sinundan si Cain ng isa pang anak na lalaki, at Abel naman ang ipinangalan dito. Naging pastol ito at si Cain naman ay naging magsasaka. Dumating ang panahon na si Cain ay naghandog kay Yahweh ng ani niya sa bukid.

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 4:1 CAIN: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Cain” at “nakuha” ay magkasintunog.