Font Size
Genesis 4:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 4:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Si Cain at si Abel
4 Sinipingan ni Adan ang kanyang asawa at ito'y nagdalang-tao. Nang isilang ang kanyang panganay na lalaki ay sinabi ni Eva: “Nagkaroon ako ng anak na lalaki sa tulong ni Yahweh.” Kaya Cain[a] ang ipinangalan niya rito. 2 Sinundan si Cain ng isa pang anak na lalaki, at Abel naman ang ipinangalan dito. Naging pastol ito at si Cain naman ay naging magsasaka. 3 Dumating ang panahon na si Cain ay naghandog kay Yahweh ng ani niya sa bukid.
Read full chapterFootnotes
- 1 CAIN: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Cain” at “nakuha” ay magkasintunog.