Add parallel Print Page Options

23 At sinabi ni Lamec sa kaniyang mga asawa:

Ada at Zilla pakinggan ninyo ang aking tinig:
Kayong mga asawa ni Lamec ay makinig ng aking salaysay:
Sapagka't pumatay ako ng isang tao, dahil sa ako'y sinugatan,
At ng isang binata, dahil sa ako'y hinampas.

24 Kung (A)makapitong gagantihan si Cain, tunay na si Lamec ay makapitong pung pito.

Panganganak kay Set.

25 At nakilalang muli ni Adam ang kaniyang asawa; at nanganak ng isang lalake, (B)at tinawag ang kaniyang pangalan na Set;[a] sapagka't aniya'y binigyan ako ng Dios ng ibang anak na kahalili ni Abel; sapagka't siya'y pinatay ni Cain.

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 4:25 kapalit.