Add parallel Print Page Options

Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, di ba ikaw mamarapatin? at kung hindi ka gumawa ng mabuti, ay nahahandusay ang kasalanan sa pintuan: at (A)sa iyo'y pahihinuhod ang kaniyang nasá, at ikaw ang papanginoonin niya.

Pagpatay kay Abel.

At yao'y sinabi ni Cain sa kaniyang kapatid na kay Abel. At nangyari, nang sila'y nasa parang ay nagtindig si Cain laban kay Abel na kaniyang kapatid, (B)at siya'y kaniyang pinatay.

At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, (C)Aywan ko: ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?

Read full chapter