Add parallel Print Page Options

14 Datapuwa't alalahanin mo ako kung ikaw ay mapabuti na, at isinasamo ko sa iyo, na pagpakitaan mo ako ng kagandahang loob, at banggitin mo ako kay Faraon, at ako'y alisin mo sa bahay na ito:

15 Sapagka't ako'y tunay na ninakaw sa lupain ng mga Hebreo: (A)at dito naman ay wala akong ginawang anoman, upang ako'y ilagay nila sa bilangguan.

16 Nang makita ng puno ng mga magtitinapay, na mabuti ang kapaliwanagan ay nagsabi kay Jose, Ako'y nanaginip din, at narito, tatlong bakol ng tinapay na mabuti ay nasa ibabaw ng aking ulo:

Read full chapter