Font Size
Genesis 41:43-45
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 41:43-45
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
43 Ipinagamit kay Jose ang pangalawang sasakyan ng hari, at binigyan siya ng tanod pandangal na nauuna sa kanya at sumisigaw, “Lumuhod kayo!” Sa gayon, ipinailalim sa kanya ang pamamahala sa buong Egipto. 44 Sinabi ng Faraon kay Jose, “Ako ang Faraon at ikaw ang aking pangalawa, ngunit kung wala kang pahintulot, walang sinuman sa Egipto na makakagawa ng anuman.” 45 Binigyan niya si Jose ng bagong pangalan: Zafenat-panea. At ipinakasal sa kanya si Asenat na anak ni Potifera, ang pari sa Heliopolis.[a] Bilang gobernador, pinamahalaan ni Jose ang buong lupain ng Egipto.
Read full chapterFootnotes
- 45 Heliopolis: Sa Hebreo ay On .