Font Size
Genesis 41:45-47
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 41:45-47
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
45 Binigyan niya si Jose ng bagong pangalan: Zafenat-panea. At ipinakasal sa kanya si Asenat na anak ni Potifera, ang pari sa Heliopolis.[a] Bilang gobernador, pinamahalaan ni Jose ang buong lupain ng Egipto.
46 Tatlumpung taon si Jose nang magsimulang maglingkod sa Faraon. Pagkaalis niya sa harapan ng hari, nilibot niya ang buong Egipto. 47 Pitong taóng nag-ani nang sagana sa buong lupain.
Read full chapterFootnotes
- 45 Heliopolis: Sa Hebreo ay On .