Genesis 42:33-35
Ang Biblia (1978)
33 At sinabi sa amin ng lalaking yaon, ng panginoon sa lupain, (A)Dito ko makikilala na kayo'y mga taong tapat: magiwan kayo sa akin ng isa sa inyong magkakapatid, at magsipagdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay, at kayo'y yumaon.
34 At dalhin ninyo rito sa akin ang inyong kapatid na bunso: kung gayo'y makikilala ko, na kayo'y hindi mga tiktik, kundi kayo'y mga taong tapat: sa ganito'y isasauli ko sa inyo ang inyong kapatid (B)at kayo'y mangangalakal sa lupain.
Nakita ang salapi sa kanilang sisidlan.
35 At nangyari na pagaalis ng laman ng kanilang mga bayong, na, (C)narito, sa bayong ng bawa't isa ay nakalagay ang balot ng kanikaniyang salapi: at nang makita nila at ng kanilang ama ang kanilang mga balot ng salapi, ay nangatakot.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978