Add parallel Print Page Options

36 At sinabi sa kanila ng kanilang amang si Jacob, (A)Inalis na ninyo sa akin ang aking mga anak: si Jose ay wala, at si Simeon ay wala, at aalisin pa ninyo si Benjamin: lahat ng bagay na ito ay laban sa akin.

37 At nagsalita, si Ruben sa kaniyang ama, na sinasabi, Ipapatay mo ang aking dalawang anak kung siya'y hindi ko dalhin sa iyo; ibigay mo sa aking kamay, at siya'y aking ibabalik sa iyo.

38 At kaniyang sinabi, Hindi yayaon ang aking anak na kasama ninyo; (B)sapagka't ang kaniyang kapatid ay patay na, at siya lamang ang natitira; (C)kung mangyari sa kaniya ang anomang kapahamakan sa daan na inyong paroroonan, ay (D)pabababain nga ninyo ang aking mga uban sa Sheol na may kapanglawan.

Read full chapter