Add parallel Print Page Options

14 At pagkalooban nawa kayo ng Dios na (A)Makapangyarihan sa lahat ng (B)kaawaan sa harap ng lalaking yaon, upang isauli sa inyo ang inyong isang kapatid at si Benjamin. (C)At kung mawalan ako ng mga anak, ay mawalan ako.

15 At dinala ng mga lalake ang kaloob na yaon, at ibayong halaga ng salapi ang dinala sa kanilang kamay, at si Benjamin; at nagsipagtindig, at nagsibaba sa Egipto, at nagsiharap kay Jose.

16 At nang makita ni Jose si Benjamin na (D)kasama nila, ay sinabi niya sa katiwala ng kaniyang bahay: Dalhin mo ang mga lalaking iyan sa bahay, at magpatay ka ng mga hayop, at ihanda mo; sapagka't ang mga lalaking iyan ay magsisipananghaling kasalo ko.

Read full chapter