Font Size
Genesis 43:24-26
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 43:24-26
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
24 Sila'y pinapasok ng katiwala sa bahay ni Jose, pinaghugas ng mga paa, at pinakain ang kanilang mga asno. 25 Pagkatapos, inilabas ng magkakapatid ang kanilang handog para ipagkaloob kay Jose pagdating nito. Narinig nilang doon sila magsasalu-salo. 26 Pagdating ni Jose, yumukod silang lahat sa kanyang harapan at ibinigay ang dala nilang handog.
Read full chapter