Add parallel Print Page Options

14 At si Juda at ang kaniyang mga kapatid ay dumating sa bahay ni Jose at siya'y nandoon pa, (A)at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya.

15 At sinabi sa kanila ni Jose, Anong gawa itong inyong ginawa? Hindi ba ninyo nalalaman na ang isang tao na gaya ko ay tunay na makahuhula?

16 At sinabi ni Juda: Anong aming sasabihin sa aming panginoon? anong aming sasalitain? o paanong kami ay magpapatotoo? Inilitaw ng Dios ang (B)kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, (C)kami ay alipin ng aming panginoon, kami sampu niyaong kinasumpungan ng saro.

Read full chapter