Add parallel Print Page Options

16 At sinabi ni Juda: Anong aming sasabihin sa aming panginoon? anong aming sasalitain? o paanong kami ay magpapatotoo? Inilitaw ng Dios ang (A)kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, (B)kami ay alipin ng aming panginoon, kami sampu niyaong kinasumpungan ng saro.

17 At kaniyang sinabi, Huwag nawang itulot ng Dios na ako'y gumawa ng ganiyan; ang taong kinasumpungan ng saro, ay siyang magiging aking alipin; datapuwa't tungkol sa inyo ay pumaroon kayong payapa sa inyong ama.

Ang pamamagitan ni Juda dahil kay Benjamin.

18 Nang magkagayo'y lumapit si Juda sa kaniya, at nagsabi, Oh (C)panginoon ko, ipinamamanhik ko sa iyo na papagsalitain ang iyong lingkod, ng isang salita sa mga pakinig ng aking panginoon, (D)at huwag nawang magalab ang iyong loob laban sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay (E)parang si Faraon.

Read full chapter